Popular Posts

Sunday, April 3, 2011

Sino Mag-aakala?

Sinong mag-aakala na may kapangalan si Noy dito sa Surabaya. Ito ay isa sa mga unang napansin ko pagdating ko dito. May bar malapit sa simbahan ang lagi naming nililikuan sa tuwing kami ay uuwi galing sa kung saan. Napapalibutan ito ng litrato ng mga mang-aawit, na tipong comedy bar ang dating. At isa sa mga nakapukaw ng aking mata at dahilan ng blog entry na ito ay si Beniqno Aquino. Sa unang tingin walang kaibahan ito sa mga normal sa larawan ng bumbaying mukha ng isang lalaki. Pero naku pagdako sa may ibaba, makikita ang pangalang pamilyar sa ating mga Pilipino, Beniqno Aquino. Hawig sa ating bayani aat kababayan kong si Benigno "Ninoy"Aquino Jr., at sa ating pangulong si Benigno "Noynoy"Aquino III. Pero sino nga ba si Beniqno? May relasyon ba siya sa mga Benignong kilala natin? Hangang sa pangalan lang nga ba ang pagkakahawig nila? Kailangan ba talaga nating pag-aksayahan ng panahon ang taong ito? kailangan ba talagang gumawa ng blog para dito?


No comments:

Post a Comment